Vintage Tumblr Themes
home ask me submit archive Themes
Showing the happiest smile and sparkle in your eyes won’t hide the fact that you’re hurting inside. Be true to yourself. If you’re sad, show it until you finally learn to let go of that sadness. And maybe, by doing so, true happiness will come knocking on your door. – notborntopleaseyou
My heart doesn’t belong to you, so don’t act like you own me
the feeling of forgetting your password then remembering it was the name of your god damn ex!
Sentimento ng isang palamunin.

Tambaboy nanaman ako ah. 

I have nothing against them—- sinadya ba naman kasi nilang magkaroon ng kapit? Masasabi ba talagang unfair yun? eh kung isa ka sa mga wala pang mapasukang trabaho (katulad ko) di dahil you lack the skills and knowledge but because what you lack is a BACKER (you know what I mean), e SORRY ka na lang. Sa panahon ngayon, palakasan na ang labanan. At kung mahina ang kapit mo, or more like WALA kang kapit, talo ka. tsk tsk. Kaya kung ako ang tatanungin, UNFAIR talaga.

Isa na akong nurse ngayon. RN. Registered nurse. Pero ang buhay ko eh walang kinaibahan sa isang estudyante. E mas kawawa pa nga eh, at least ang estudyante may allowance, ako nga kahit pang load wala, ubos na din ung ninanakawan ko ng points haha. (may consent naman kahit paano)

E kahit nga grumaduate ka as cum laude pero wala ka namang kakilala or kamag-anak sa pag aapplyan mu, USELESS men!!! pwera na lang kung madiskarte ka talaga. Kung magaling ka mangumbinse or baka may ibang paraan ka na ginamit ( wala akong binabanggit specifically kaya relaaax). May kakilala akong ganun, madame sila actually. haha. Kung alam ko lang na ganun eh nag asawa na lang sana ako ng mayaman para di ko na isipin kung anong mangyayare sa akin sa future since may unlimited supply of pesos naman ako (or dollars na lang). haha. Wish ko lang ganun kadali yun.

Magulat ka na lang kung yung kaklase mong pasang-awa lage sa klase eh staff nurse na sa isang hospital e ikaw ni pagvolunteeran, di ka makapasok. Yun bang lageng nagkakamali sa pagbibigay ng gamot or kahit sa dosage lang eh palpak na kagroup mo eh may trabaho na kumpara sayo na laging maingat at never na nabigyan ng extension duty nung student nurse pa kayo. What a shame. Meron ngang ginawang aksyon ang gobyerno, abay ang nakukuha pa din eh yung mga anak, kapatid, pamangkin aaay kahit malayong kamag anak pa yan, kahit wala silang ipass na application or resume, pasok agad ang mga yan. ehem. matamaan ang matamaan. Biruin mo, nagpass ka first day ng submission, di man lang naconsider application mo. Tatawagan na na lang daw, whatever, sinong niloko niyo.

Isa pa, meron ngang job fair, ay kasabay mo naman nag aapply mga dati mong CI (Clinical Instructors), anu naman daw ang panlaban mo sa number of years of experience nila. after ka paasahin, wala din lang pala. sayang lang oras at pagod mo, nag facebook ka na lang sana sa bahay. hahaha.

Try mong kumuha ng application form sa ibang hospital, mababasa mo dun “Are you related to any employee in our institution”? Abay kung NO ang sagot mo jan, umuwe ka na lang pare. Eh kung YES naman, CONGRATULATIOOONS! You’re hired! 

Ilan lang yan sa mga nakikita at naoobserbahan ko. Bulok talaga—- ang alam niyo na—- ang SISTEMA.

Wish ko lang naman, magbago kahit malabo. Sana lang naman. Sana talaga.

Yun lang naman ang sentimiento ko. 

Period.



1 2 3 4 5 6 7 8 older »